Monday, August 25, 2014

Buwan ng Wika 2014

WIKA NG PAGKAKAISA


     
          Ang pagkakaisa ang solusyon sa pagkamit ng kalayaan sa ating bansa. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling atin.

          Sa ating bansa, may 7,107 na pulo. Kaya naman nahati ang mga iba't ibang dialekto sa bansa. Ngunit, kahit magkakaiba, iisa parin ang ating lahi at tayo ay nagkakaintindihan. Dapat nating gamitin ang sariling atin para makamit ang ating mga mithiin. Ang wikang Filipino ay tatak ng pagka-Filipino, dapat na ito'y gamitin at paunlarin. Kailangan natin ito para matamo ang pagkakaisa ng bawat Filipino.

          Sa paglalakbay sa daan ng mga pangarap, hindi maiiwasang harapin ang mga sakit at hirap. Ngunit sa wikang Filipino tayo'y pinag-iisa ng patnubay, upang anumang pagsubok ay tiyak magtatagumpay.

No comments:

Post a Comment